San Antonio

Obispo

Kilala rin bilang: Antonio ng mga Payo

Kapanganakan: 1389

Kamatayan: Mayo 2, 1459

Araw ng Kapistahan: 10 Mayo


Ang santong ito ay tinatawag na ANTONIO dahil sa kanyang kaliitan noong bata pa siya. Siya ay ipinanganak sa lunsod ng Florence noong 1389 sa angkan ni Nicolas Pierozzi. Sa pagiging paring Dominico, humawak siya ng mataas na katungkulan sa Naples, Siena, Fiesole, Florence at Roma, at nang siya’y naging arsobispo ng Florence sa kabila ng kanyang mahigpit na pagtanggi, malimit siyang lapitan ng mga Papa upang humingi ng kanyang mga payo kung kaya nga naging tanyag ang kanyang taguring “Antonio ng mga Payo.” Ang kabanalan ng santong ito ay wala sa kanyang matataas na katungkulan kundi sa pagtulong sa mga maralita at laging nananahan sa kanyang puso ang diwa ng karukhaan. Ipinagbili ang kanyang mga damit, plato, at kabayo upang matulungan lamang ang mahihirap, lalung-lalo na nang magkaroon ng peste at lindol sa lunsod ng Florence. Ang Obispo at manananggol ng mga maralita na si San Antonio ay sumakabilang buhay noong Mayo 2, 1459.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: