San Andres Hubert Fournet

Kura Paroko

Kapanganakan: Disyembre 6, 1752

Kamatayan: Mayo 13, 1834

Araw ng Kapistahan: 13 Mayo

Ang isang relikya ng santong ito ay isang aklat na may sulat ng ganito: “Ang aklat na ito ay ari ni Andres Hubert Fournet, isang mabait na bata,ngunit ayaw maging pari o monghe”. Ang batang si Andres ay mahilig sa laro, libingan at hindi sa pag-aaral o padarasal. Ipinanganak siya sa poitiers, Pransiya noong Disyembre 6, 1752, mula sa isang mayamang angkan.

Nang minsang mapunta sa kanyang amain na pari, si Andres ay nagbagong-loob, naakit sa kabanalan ng alagad ng Diyos na siynang nagbunsod sa kanya na maging pari. Naging kura paroko nang taong 1781. Noong panahong iyon, inuusig ang mga pari at ang relihiyon sa Pransiya. Minsan, nagkuwari siyang patay, tinirikan ng kandila habang dinarasalan ng mga babae. Natakot ang mga alagad ng pamahalaan kaya hindi siya nadakip.

Bilang kura paroko, sinikap niyang akitin ang mga tao sa Panginoong Diyos sa malimit na mga misyon, pagbibigay ng mga sakramento at sa kanyang pag-upo sa kumpesiyonaryo. Itinatag niya, kasama si Santa Elizabeth Bichier, isang kongregasyon na tinatawag na Daugthers of the Cross. Namatay siya noong ika-13 ng Mayo, 1834.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: