San Bonifacio ng Tarsus

Kamatayan: 306

Araw ng Kapistahan: 15 Mayo

Si San Bonifacio ay nagsimula nang masama ngunit nagtapos ng mabuti. Nakisama siya sa isang babaeng taga-Roma na di mabuti ang hanap-buhay-isang mananayaw at aliwan ng mga lalaki. Bagama’t nagugumon sa pagkakasala, si Bonifacio ay may magandang puso sa mahihirap.

Minsan sinabi sa kanya ng kanyang kinakasamang babae na si Aglae, “May narinig ako tungkol sa mga Kristiyanong nangamatay na martir sa Silangan; sila raw kung mamatay ay makakasama  ng Diyos sa kanyang luwalhati at sa buhay na walang-hanggan. Magpunta ka nga at kumuha ng kanilang relikya.” Pumayag si Bonifacio at pabirong sinabi sa babae, “Sisikapin kong makakuha ng kanilang relikya, at anu kaya kung aking relikya ang magbalik sa iyo?” Ang pagbibirong iyon ni Bonifacio (Latin, gumagawa ng mabuti) ay nagkatotoo.

Noong mga panahong iyon samantalang tahimik ang Santa Iglesya sa Roma at sa kanluran, sa silangan naman ay nagdaranas ng mabagsik na pag-uusig sa kamay ni Galerio Maximiano.

Sinasabing nang dumating si Bonifacio sa tahanan ng Gobernador Simplicio sa lunsod ng Tarsus, Asia Minor, kanyang natagpuan ang mga Kristyanong pinahihirapan nang dahil lamang sa hindi nila pagsamba sa diyus-diyosan ng Emperador. Nababag ang kalooban ni Bonifacio at winika, “O kay dakila ng Diyos ng mga Kristyano! Hinihiling ko sa inyo, mga lingkod ni Cristo na ako’y idalangin ninyo nang makasama ninyo ako sa pakikilaban sa demonyo”. Sa pagkamuhi ng Gobernador, pati si Bonifacio ay ipinahuli, binuhusan ng kumukulong tingga ang kanyang bibig at pinugutan ng ulo noong 306.

Nang dalhin sa Roma ang kanyang relikya, nagbagong-buhay si Aglae.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: