San Isidro ang Magsasaka

Magsasaka

Kamatayan: Mayo 15, 1130

Araw ng Kapistahan: 16 Mayo

   Makailang gamitin ng Panginoon ang bukid bilang larawan ng kaharian ng langit, at ngayon narito ang isang tao na naging santa sa pagbubukid! Para buhayin ang kanyang asawa, si Maria at isang anak na si SAN ISIDRO ay naging magbubukid ng isang nagngangalang Juan de Vargas sa lunsod ng Madrid. Salat sa kayamanan ng daigdig ngunit sagana sa kayamanan ng langit, nagsisimba si Isidro araw-araw at malimit makinabang bago siya magtrabaho sa bukid. Dahil sa kalinisan ng kanyang pamumuhay at katapatan sa pagtatrabaho, siya ay napamahal sa panginoon at kinainggitan naman ng ibang kasama niyang magsasaka. Isinumbong sa kanyang panginoon na diumano’y nahuhuli sa paggawa sa bukid. Isang araw, sinubukan siya ng kanyang panginoon na maagang-maagang nagtungo sa bukid; si Isidro ay wala pa. Nang dumating ang oras ng paggawa, anong pagkamangha ng panginoon nang Makita niyang gumagawa ang ilang anghel sa bukid ni Isidro!

Sa kanyang malimit na pagsisimba, nakamit ni San Isidro ang masaganang pagpapala ng Diyos sa kanyang mga gawain at sa pagpapakabanal sa kanyang sarili. Katangi-tangi rin ang pagmamahal niya sa mga dukha – minsan ay kanyang pinadami ang pagkain sa isang handaan para makakain lamang ang maraming pulubing kasama niya. Namatay si San Isidro noong Mayo 15, 1130. Ang kanyang asawa ay si Santa Maria de la Cabeza.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: