San Juan Nepumoceno

Kapanganakan: 1350

Kamatayan: 1399

Araw ng Kapistahan: 17 Mayo

Pintakasi: laban sa baha at mga paninirang puri

       Si SAN JUAN NEPOMUCENO ay kilalang martir ng lihim ng kumpisalan. Isinilang si Juan Wolfein sa Nepomuk noong 1350 sa isang butihing angkan, at pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa pagpapari ay naging bikaryo heneral (paring kalihim) ng arsobispo ng Prague, Bohema. Dahil sa kanyang kabantugan, ginawa siyang padre kompesor ng palasyo ni Haring Wenceslao na naghahari noon sa Bohemia, isang haring malupit sa kanyang tauhan, halaghag ang pamumuhay at mainitin ang ulo. Sa isang pagkakataon, sinasabing ipinahuli niya ang kanyang kusinero dahil lamang sa di mabuting pagkaluto ng manok at ipinakulong sa hurno, sa ibabaw ng matigas na pamamagitan ni Juan Nepomuceno. Ang banal na kapelya ay kanya ring ipinabilanggo.

Noong 1393, tinangka ng hari na magtatag ng isang Obispado sa kladrau at piliin ang isang paring kapanalig niya, subalit ito ay tinutulan ng arsobispo ng Prague, sapagkat iyon ay panghihimasok sa kapangyarihan ng Santa Iglesya. Dahil diya’y pinadakip ng hari ang lahat ng mga katulong ng arsobispo at ipinabilanggo, pati si Juan Nepumoceno, na kanyang ipinatali ang mga paa at kamay at pinasunog ang tagiliran! Ang arsobispo at ang ilang mga pari ay nakatakas subalit si Juan ay hindi; pagkaraan, Si Juan Nepumoceno ay sinaksakan ng isang kahoy sa bibig na ikinamatay nito noong 1399. Ang kanyang bangkay ay itinapon sa ilog Moldau. Nang kinagabihan, lumitaw ang isang liwanag sa ilog na parang pitong bituin. At natagpuan ng taong bayan ang banal na bangkay ni Juan Nepumoceno. Sinsabi na isang dahilan kung bakit pinatay ng hari ang santo ay sapagkat ayaw nitong ipagtapat ang ikinumpisal ng reyna sa kanya. Nang buksan noong 1719 ang libingan ng santo ay natagpuang buong-buo pa ang kanyang Dila. Si San Nepumoceno ay pintakasi laban sa baha at mga paninirang puri.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: