San Pascual Baylon

Kamatayan: 1592

Araw ng Kapistahan: 18 Mayo

Pintakasi: ng mga samahan at kongreso eukaristiko si San Pascual kahit hindi siya pari o Obispo

     Pascua de Pentecostes nang isinilang ang santong ito sa Torre Hermosa, kaharian ng Aragon noong ika-16 ng Mayo, 1540 kaya Pascual ang ipinangalan sa kanya. Sa kapistahan ding iyon noong 1592 siya pumanaw – namatay siya sa araw ng kanyang pagsilang at sumilang naman sa buhay na walang hanggan nang siya’y mamatay. Tinaguriang pintakasi ng mga samahan at kongreso eukaristiko si San Pascual kahit hindi siya pari o Obispo.

Lumaking nagpapastol ng mga tupa si SAN PASCUAL tulad ng kanyang mga magulang na si Martin Baylon at Isabel Jubera. Sa sariling pagsisikap, natuto siyang sumulat at bumasa habang nag-aalaga ng mga tupa sa parang. Sa gulang na dalawampu’t-apat na taon, pumasok siyang Hermano (parang mayordomo) sa Orden ni San Francisco sa sangay ng mga tinatawag na Alcantarino. Katangi-tangi ang pamimintuho niya sa kamahal-mahalang Sakramento sa altar na malimit niyang tanggapin sa pakikinabang at dalawin kung hapon. Tuwing maririnig niya ang alsada sa Santa Misa, kahit na siya’y nasa parang ay lumuluhod upang sambahin ang ating Panginoon sa Ostiyang Mahal. At na Ostiya at Kalis sa oras ng Misa.

Bilang Hermano ng mga Pransiskano, siya ang nangasiwa ng paglilinis ng kumbento at ng pagkain ng mga pari; sa mga gawaing iyon umunlad siya sa kabanalan, sa paglilingkod sa Panginoong Diyos at sa nakarating sa rurok ng kabanalan ang santong ito ay dahil sa kanyang dalisay na pagmamahal sa Santisimo Sakramento, ang dahilan at bukal ng lahat ng kabanalan. Itinataas ang Mahal na Sakramento sa Misa nang siya’y mamatay, at noong nakaburol na ang kanyang bangkay ay makalawang nasaksihan ng mga tao ang pagdidilat ng kanyang mga mata sa oras ng alsada.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: