San Bernardino ng Siena

Kapanganakan: Setyembre 8, 1380

Kamatayan: Mayo 20,1444

Araw ng Kapistahan: 20 Mayo

Pintakasi: ng mga nagpapaanunsiyo

Ipinaganak noong ika-8 ng Setyembre, 1380 sa Masse, Maritima, malapit sa Siena, Italya, si SAN BERNARDINO ay maagang naulila sa kanyang kamag-anak na pinagmanahan ng kabutihan at kabanalan. Kasapi sa isang samahang ukol sa pagkakawanggawa sa mga may sakit, si Bernardino kasama ng sampung lalaki ay nag-alaga ng mga maysakit nang magkaroon ng epidemya sa lunsod ng Siena noong 1400.

Pagkatapos na maipamahagi sa mga maralita ang kanyang kayamanan, siya’y pumasok na Pransiskano at naging isang bantog na predikador na dinudumog ng mga makapal na tao. Nilakbay niya ang mga bayan, inakit ang mga makasalanang magbalik-loob sa Panginoong Diyos. Malaki ang kanyang pamimintuho sa  Mahal na Pangalan ni Jesus; at ginamit niya itong kasangkapan sa pagsugpo sa mga paglapastangan sa karangalan ng Diyos. Nang magbalik-loob ang mga manunugal ng baraha, ang gumagawa ng mga ito ay lubhang nagalit sa kanya sapagkat nawalan ng hanapbuhay. Inutusan siya ng santo na gumawa ng mga kartong may titik I.H.S. ang sagisag ng ngalan ni Jesus; marami ang bumili nito sa kanya at idinikit sa mga pinto bilang pananggalang sa lahat ng masasama. Ito ang dahilan kung bakit siya’y ginawang pintakasi ng mga nagpapaanunsiyo.

Si San Bernardino ay sumalangit noong ika-20 ng Mayo,1444. nang siya’y naghihingalo na hiniling na ilapag siya sa lupa bilang tanda ng kanyang pagpapakumbaba sa harapan ni Diyos.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: