Santa Juana Antide Thouret

Kapanganakan: 1765

Kamatayan: Agosto 24, 1826

Araw ng Kapistahan: 21 Mayo

          Ang pangalan ng santang ito ay inilagay sa talaang opisyal ng mga santo sa araw na ito sa panahon ni Papa Pio XI. Sumilang sa isang maliit na baryo malapit sa Besancon, Pransiya, noong 1765, si SANTA JUANA ANTIDE THOURET ay maagang naulila sa kanyang ina kung kaya siya ang nagpalaki at lumingap sa pito niyang kapatid. Sa likod ng maraming sagabal at pagtutol ng kanyang ama, siya’y pumasok na madre sa Hijas de Caridad ni San Vicente de Paul noong 1787, subalit hindi natuloy ang kanyang pagmamadre dahilan sa pagsiklab ng Revolucion Francesa, isang gulong lumikha ng maraming pinsala sa Santa Iglesya. Si Juana ay nagbalik sa kanyang tahanan at patagong tumutulong sa ikapagtatagumpay ng pananampalataya; ang pagbabanta sa kanyang buhay ng mga laban sa Santa Iglesya ay naging dahilan ng pagtakas niya sa Switzerland at Germany. Pagkabalik sa sariling bayan, nagtatag siya ng paaralan ng mga babae, katulong ang ilang butihing mga kaibigan. Lumaganap ito at naging simula ng samahang Hijas de Misericordia, na nakalaan sa pagtulong sa mga maysakit.

Namatay si Santa Juana noong Agosto 24, 1826 sa lunsod ng Naples, Italya.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: