San Beda

Kilala rin bilang: Doktor ng Santa Iglesya

Kapanganakan: 637

Kamatayan: 735

Araw ng Kapistahan: 25 Mayo

Bisperas ng pag-akyat sa Inglatera. Sa huling sandali ng kayang buhay ipinatawag ng monghe ang kanyang mga kasama at ipinamigay sa kanila ang tangi niyang kayamanan sa daigdig: isang kahong insenso at ilang mantel ng altar. Nagpaalam siya at itinagubilin ang kanyang kaluluwa sa kanilang mga panalangin. Sinabi ng kanyang banal na labi ang mga salitang “Luwalhati sa Ama at sa Anak  at sa Espiritu Santo.” Yaon ay si SAN BEDA na kung tagurian ay Venerable na hanggang sa huling sandal ng kanyang buhay ay isinasalin sa wikang Ingles ang Ebanghelyo ni San Juan. Kilalang ama ng kasaysayan ng bansang Ingles, Si San Beda ay sumulat ng marami tungkol sa kasaysayan ng kanyang bansa, siyensiya, poesiya, kronolohiya at hinggil sa Bibliya at mga sulat ng bantog na manunulat na si San Isidro ng Seville, Espanya. Ito ang sinulat sa kanyang aklat, kasaysayan ng mga Ingles. “Ako, si Beda, isang lingkod ni Cristo at isang pari sa Wearmouth at Jarrow, ipinanganak sa lupain ng nasabing monastery (637) at sa gulang na pitong taon ako’y inihabilin ng aking mga kamag-anak kay Abad Benito Biscop (Santo).”

Bilang isang mongheng Benedictino, ginugol ng santo ang kanyang buhay sa panalangin, pag-aaral at pagsusulat, at dahil nga sa kanyang kadalubhasaan, tinagurian siyang Doktor ng Santa Iglesya. Namatay ang santo sa sakit na hika noong 735.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: