San Gregorio

Papa

Kamatayan: 1085

Araw ng Kapistahan: 25 Mayo

           Isa sa pinakadakilang Papa sa kasaysayan, si SAN GREGORIO VII ay inusig dahilan lamang sa pagtatanggol sa kalayaan ng Santa Iglesya, kadalisayan ng pananampalataya at kalinisan sa mga lipunan. si Hildebrando, anak ng magsasakang taga-Soana, Tuscany, ay naging isang mongheng Benedictino, at Alejandro II, siya ang humalili rito sa luklukan ni San Pedro at ang pangalan niya ay Gregorio Septimo.

Ang kalagayan ng daigdig at ng Santa Iglesia noong mga panahong iyon ay totoong kalunos-lunos: malaganap ang pagmamalabis ng mga hari at Prinsipe at ang paghihimasok ng mga ito sa karapatan ng Santa Iglesya, ang pagbibili ng mga katungkulang eklesiyastiko (simonya), ang masamang pamumuhay ng ilang nasa Santa Iglesya, bagay na totoong ikinalungkot ni Hildebrando kung kaya napilitan siyang gumawa ng mga mahihigpit na kautusan upang sugpuin ang kasamaang iyon, kahit na maging mapanganib sa kanyang buhay. Sinikap niyang lutasin ang hidwaan ng mga Griyego, nagtatag ng krusada upang agawin ang Jerusalem sa mga Turko, at sa mga bansa naman ay naglagay siya ng mga tinatawag na legado papal.

Kilalang-kilala sa kasaysayan ang hidwaan nila ni Enrique IV, ang emperador ng Germany na kanyang inekskomulga dahilan sa pagmamalabis nito. Si Enrique IV ay nagtungo sa kastilyo ng Canossa, hilagang Italya, na nagsisisi, hindi kumain ng tatlong araw at humingi ng tawad sa pintuan ng kastilyo. Minsan si Gregorio VII ay hinuli ng mga kalaban habang nagmimisa sa araw ng pasko at siya’y sinaktan at kinulong sa Censius.

Noong taong 1085, malayo sa Roma, sumakabilang-buhay ang mabunying Papa na si San Gregorio Septimo; ito ang kanyang huling kataga: “Inibig ko ang katarungan at kinapootan ko ang kasamaan… kung kaya ako ay itinapon na malayo sa aking bayan.”

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: