Santa Mariana de Flores

Kilala rin bilang: Liryo ng mga lunsod ng Kito

Kapanganakan: 1617

Kamatayan: Mayo 26, 1645

Araw ng Kapistahan: 27 Mayo

            Ipinanganak sa Kito, Equador (Timog Amerika) noong 1617, Si MARIANA DE FLORES ay lumaki sa kanyang matandang kapatid nang mamatay ang kanilang magulang. Mula pa sa kanyang pagkabata ay nahilig na sa pagrorosaryo at sa panalangin ng Estacion o Via Crucis kaya ipinasiya ng kanyang kapatid na siya ay dalhin sa kumbento ng mga madre upang ipagpatuloy roon ang kanyang pagpapakabanal; subalit hindi siya tinanggap – ibang uri ng kabanalan ang nakalaan sa kanya ng tadhana ng Maykapal. Siya ay magiging santa sa kanyang sariling tahanan tulad ng tahanang mahal ni Jesus at ni Maria sa Nazaret.

Sa payo ng kanyang padre kompesor si Mariana de Jesus (ang tawag niya sa kanyang sarili) ay nabuhay ng tahimik na hindi lumalabas ng bahay kundi para magsimba lamang at dumalaw sa Santisimo; kapag hindi gumagawa sa tahanan, lagi siyang nananalangin at nagmumuni-muni ng mga hirap ng Panginoon. Upang magunitang lagi ang kamatayan tuwing Biyernes at para mapaglabanan ang tukso laban sa kalinisan, nagsusuot siya ng sinturong may patalim sa baywang at kakaunti kung kumain at uminom hanggang sa dumating ang araw na komunyon na lamang ang kanyang ikinabubuhay.

Noong 1645, nagkaroon ng lindol at epidemya sa lunsod ng Kito. Inihain ni Mariana ang kanyang buhay sa ikapapawi ng poot ng Diyos at ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan. Nagkasakit siya at namatay noong Mayo 26, 1645 sa gulang na dalawampu’t anim na taon. Siya ay tinaguriang “Liryo ng lunsod ng Kito.”

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: