San Agustin ng Canterbury

Obispo

Kilala rin bilang: Apostol ng bansang Inglatera

Kamatayan: 605

Araw ng Kapistahan: 28 Mayo

Simula nang Makita ni San Gregorio ang tatlong aliping Ingles na ipinagbibili sa liwasan ng Roma ay lagi na niyang pinapangarap na magpunta sa Inglatera upang iparangal si Cristo sa mga taong iyon na di pa nasisilayan ng liwanag ng Kristiyanismo; kaya nang maging Papa, ipinadala ni San Gregorio Magno sa bansang Inglatera ang isang monghe sa monastery sa San Andres upang palaganapin ang pananampalatayang katoliko sa mga Ingles.

Ang naturang monghe ay si SAN AGUSTIN (hindi ng Hippo na anak ni Santa Monica). Kasama ang mahigpit na tatlumpung monghe, nagtungo sila sa Inglatera mula sa Roma noong taong 596, taglay ang mga sulat ng Papa sa iba’t ibang Obispo sa Gaul (Pransiya). Nahintakutan si Agustin dahil sa mga balitang tinaggap niya tungkol sa mga Ingles na diumano ay mga mamamatay-tao, at ang dagat na kanilang tatawirin ay mapanganib. Subalit nakarating din sila sa Inglatera sa kaharian ni Etelberto sa Kent na asawa ng isang Kristiyana na si Berta. Lihis sa kanilang mga takot at pangamba, si Agustin at ang kanyang mag kasama ay tinanggap nang mabuti ng hari. Noong Pentecostes ng 597, ang Haring Etelberto (santo) ay bininyagan at pagkaraan sumunod ang kanyang daandaang mga tauhan.

Bilang kauna-unahang obispoo ng Canterbury, sinikap ni San Agustin na palaganapin ang tunay na aral ng Santa Iglesya, magtatag ng simbahan, sugpuin ang mga pamahiin at maling paniniwala ng mga tao at akayin sila sa landas ng katotohanan at kabanalan kung kaya siya ay kinikilalang apostol ng bansang Inglatera. Siya ay namatay noong 605, pitong taon pagkaraan ng kanyang pagkalunsad sa bansang iyon.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: