San Fernando
Kamatayan: Mayo 30, 1252
Araw ng Kapistahan: 30 Mayo
Supling ng pagmamahalan ni Alfonso, hari ng Leon, at ni Berengaria, anak ng hari ng Castille, si San Fernando (Ferdinand) ay naging isang ulirang hari na ang karangalan at kayamanan ay ginamit sa ikaluluwalhati ng Diyos at sa ikabubuti ng kapwa. Sa udyok ng kanyang butihing inang si Berengaria, ay napangasawa niya si Beatriz, ang anak ng emperador ng Swabia; pitong lalaki at tatlong babae ang naging anak nila
Ang kabanalan ng santaong ito ay wala sa pagpapatayo niya ng mga simbahan at kumbento kundi sa kanyang wagas na pagmamahal sa Panginoong Diyos at sa Mahal na Birhen. Pinairal niya ang makatarungang batas sa kanyang kaharian, ipinagtanggol ang Santa Iglesya laban sa mga Musulman o Moro na noon ay malaki ang nasasakupan sa Espanya. Kung gabi nananalangin siya nang matagal; sa araw ng pag-aayuno sumusunod sa batas ng Santa Iglesya; sa mga labanan lagi niyang inilalagay sa kanyang kagamitan ang larawan ng Mahal na Birhen. Ang lunsod ng Cardova na siyang pinakakabisera ng kaharian ng mga kagamitan ang larawan ng Mahal na Birhen. Ang Lunsod ng Seville noong 1249 – ito ang katapusan ng paghahari ng mga Moro sa Espanya. Sa huling tatlong taon, namalagi siya sa Seville. Sinasabi na lalo niyang kinatatakutan ang sumpa ng isang matandang babae kaysa sa hukbo ng mga Moro. Namatay siya noong Mayo 30, 1252.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.
Leave a Reply