San Quirino

Obispo

Kamatayan: 304

Araw ng Kapistahan: 4 Hunyo

Isa sa mga santong ipinagdiriwang ngayon ay si San Quirino, isang Obispo sa bayan ng Sissek na nasa lupain ng ngayo’y Croatia, Yugoslavia. Dumating sa kaalaman ng Obispo na ang alkalde ng baying iyon na si Maximo ay nagbigay ng kautusang dakpin siya, bilang pagtalima sa kautusan ni Emperador Diocleciano ng Roma laban sa mga Kristiyano. Tumakas si Quirino. Nang mahuli siya’y itinanung sa kanya kung bakit nagtago. Ito ang sagot ng santo: “Nasa Banal na Kasulatan na kung usigin ka sa isang bayan ay tumakas sa iba. Sumunod lamang ako sa habilin ng Panginoon.” Tumugon ang mga kawal, “Nakita mo nang walang kapangyarihan ang iyong Diyos, kung siya ay tunay, bakit hindi ka ipinagtanggol nang hindi ka mahulog sa aming kamay?” “Ang Diyos namin,” wika ni Quirino, “ay nasa taguan ko, pinabayaan niyang Makita ninyo ako; naririto rin ngayon upang palakasin ang aking pananampalataya.” Ang santo ay pilit na pinasasamba sa mga idolo ng impyerno subalit tumanggi hanggang sa siya’y pahirapan. Dahil sa mahigpit na pagtutol ng santo, siya ay hinatulan ng kamatayan ng Gobernador; inihagis sa ilog nang may malaking bato sa leeg. Ang banal na kaluluwa ay sumalangit noong 304.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: