San Bonifacio

Obispo, arsobispo

Kapanganakan: 680

Kamatayan: 755

Araw ng Kapistahan: 5 Hunyo

Tinipon ng misyonero ang makapal na tao sa bundok ng Gudenberg, Geismar upang ipakilala sa kanila na ang kanilang sinasambang punungkahoy ni Tor ay hindi tunay na Diyos. Tinaga ng misyonero ang punungkahoy,at walang anumang nangyari sa kanya. Dahil diyan ang mga taong iyon ay naging mga Kristiyano at tinalikuran ang dating maling paniniwala. Iyan ang pasimula ng makasaysayang buhay ni San Bonifacio, ang dakilang misyonero at apostol ng bansang Germany.

Isinilang si Winifrido sa isang maharlikang angkan sa Crediton sa Devonshire noong 680. Sa buhay niya walang ibang pinapangarap kundi ang magtungo sa Frisia at Germany upang ipakilala at ipaibig ang Diyos sa mga di pa nakakakkilala sa kanya. Isang paring Benedictino, siya ay inatasan ng Papa Gregorio II na marangal sa bansang Germany; kinonsagrang Obispo ng taong 722 at bigyan ng bagong pangalan, BONIFACIO (sa latin. gumagawa ng mabuti). Pinaunlad ng Santo ang pananampalataya ng mga tao, sinupil ang kanilang mga pamahiin at maling paniniwala, nagtatag ng mga simbahan at paaralan, nag-ordena ng mga pari at Obispo – sa madali’t sabi, itinatag ni San Bonifacio ang balangkas ng santa Iglesya sa bansang Germany. Katangi-tangi ang pagkakatatag niya ng monasteryong Fulda na naging luklukan ng kabihasnan at karunungan sa Germany noong unang panahon. Bilang arsobispo ng Mainz at kinatawan ng Papa, sinubaybayan niya ang lakad ng Santa Iglesya sa Germany at sa Pransiya.

Nang taong 755, samantalang naghahanda siya sa paglunsad sa Frisia upang iparangal ang Ebanghelyo, siya at ang kanyang 52 kasama ay sinalakay ng mga kaaway at pinatay sa Dokkum.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

%d bloggers like this: