San Guillermo

Arsobispo

Kilala rin bilang: William ng Thwayt

Kamatayan: 1154

Araw ng Kapistahan: 8 Hunyo

Si SAN GUILLERMO (WILLIAM) FITZHERBERT na kilala rin sa pangalang William ng Thwayt ay galing sa isang maharlikang angkan ng mga Normando at Ingles. Matapos na maging kanonigo ng katedral ng lunsod ng York, Inglatera noong taong 1130, Guillermo ay napiling maging arsobispo ng York nang mamatay ang Arsobispo Thurstan, bagay na lubhang tinutulan ng mga mongheng Cistercian dahil sa paratang di umano na sumuhol si Guillermo. Ang kanyang mga kalaban ay gumawa ng iba’t-ibang paraan para masiraan ng puri ang santo hanggang sa umabot ito sa kaalaman ng Papa Eugenio III na siyang nag-alis sa kanya sa pagiging arsobispo. Humalili sa kanya si Henry Murdac, ang abad o pinuno ng monastery ng Fountains Abbey. Nang malaman ng mga kamag-anak ni Guillermo ang bagay na ito, sinunog nila ang mga bukirin ng nasabing monasteryo subalit hindi nagtagal at namatay si Murdac. Sa panahon ni Papa Anastacio, nalaman din ang katotohanan; ibinalik ng Papa si Guillermo sa kanyang dating tungkulin. Malaki ang pagdiriwang na iniukol sa kanya ng mga tao na dahil iyon sa panalangin at kabanalan ng santo.

Bunga ng kanyang pagkamatiisin, pagsang-ayon sa mahal na kalooban ng Diyos at matapat na pagtupad sa tungkulin, si San Guillermo ay namatay na maluwalhati noong 1154. Maraming himala ang naganap sa libingan niya.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: