San Columba

Kamatayan: 597

Araw ng Kapistahan: 10 Hunyo

Ang usapin ng dalawang monghe ay hinatulan ng Haring Diarmaid ng Ireland. “Sa bawat baka ang sariling guya at sa bawat aklat ang sipi nito. Kaya’t Columba, ang sipi ng aklat na ito ay hindi iyo kundi kay Finnian.” Hindi sukat akalain ni Columba na ang pagkopya niya ng patago ng aklat ng Salterio ni San Jeronimo, na pag-aari ni San Finnian ay hahantong sa ganitong pangyayari. Nagbunga ng di mabuti ang usaping ito-nagkaroon ng labanan sa tauhan ni Diarmaid at Columba hanggang sa mamatay ang 3,000 katao sa Cuil Dremme. Dahil dito, pinayuhan ni San Molaise si Columba na tumakas sa Ireland at magtungo sa Scotland sa pagbabayad ng kanyang pagkakasala. Sa pagtungo niya sa isang maliit na pulo ng Iona, kasama ang labindalawang monghe, sinimulan ng santo ang kangyang makasaysayang pagmimisyton sa Scotland kung kaya’t isa na siya sa mga pinakatanyag na santo ng bansang iyon.

Si San Columba (Columcille/Columbus – iba kay San Columbano) ay taga-Ireland na inilaan ang mahigit na 30 taon sa pagmimisyon sa Scotland; nagtagtag ng maraming simbahan at monastery na pinanggalingan ng maraming alagad ng Diyos na siyang nagpalaganap ng pananampalataya sa Ireland at Scotland. Isang makata at manunulat, si Columba ay nagpasipi ng maraming Bibliya at ibang mahahalagang aklat. Makapal na tao ang nagtungo sa Iona upang humingi ng kanyang mga payo at mga tulong sa kanilang mga karamdaman maging sa kaluluwa o sa katawan. Dinatnan siya ng kamatayan habang pinasisipi niya ang mga Salterio sa kanayng kalihim nang taong 597.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: