San Antonio ng Padua

Predikador

Kapanganakan: 1195

Kamatayan: Hunyo 13,1231

Araw ng Kapistahan: 13 Hunyo

Ipinanganak sa Lisbon, Portugal noong 1195, si Fernando Bulhon y Tavero. Nabuhay siya nang matagal na panahon at namatay sa Padua, Italya. Tumanggap siya ng abito Pransiskano sa isang bisita na nakalaan kay San Antonio Abad kaya tinaglay ang pangalang ANTONIO. Nang masaksihan niya ang masayang paglilipat ng relikya ng mga martir Pransiskano mula sa Morocco noong 1220, nanukal sa kanyang puso ang maalab na nasang maging Pransiskano. Siya ay nagtungo sa Africa sa hangaring maging martir, subalit nagkasakit at napilitang magbalik sa Portugal. Ang kanilang sasakyang-dagat ay napadpad sa pulo ng Sicily, Timog Italya at napasama siya sa sa mga Pransiskanong patungo sa lunsod ng Assisi upang dumalo sa pangkalahatang pulong ng mga Pransiskano. Ang kadalubhasaan niya sa Banal na Kasulatan at Teolohiya ay nakilala sa isang ordinasyon ng mga pari sa Forli nang siya’y mangaral nang walang kahanda-handa, dahil sa pagdating ng paring inaasahang magsermon. Humanga sa kanyang talino at kabanalan ang tagapagtatag ng mga pransiskano na si San Francisco ng Asisi at iniatang sa kanyang balikat ang mataas na tungkulin. Ang kanyang kabantugan bilang predikador ay lumaganap sa Pransiya at Italya; at gayon din ang kanyang maraming himalang ginawa sa mga makasalanan, maysakit, mga ina at mga nawawalan o nananakawan. Ang Niño Jesus ay nagpakita sa kanya. Ang isang  hindi naniniwala sa Santisimo Sakramento ay sumampalataya nang makita niya ang isang himala ni San Antonio: ang isang kabayong gutom na gutom ay nanikluhod sa harap ng Ostiya konsagrada sa halip na kanin ang damo.

Sumalangit siya noong Hunyo 13,1231, araw ng Martes – ito ang dahilan kung bakit si San Antonio ay pinipintuho sa araw ng Martes.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: