San Rainero

Kamatayan: 1160

Araw ng Kapistahan: 16 Hunyo

Sa simula ng kanyang pagbabalik-loob si SAN RAINERO (RAINERO, RAYNER), ay napaghinalaang nahihibang o nasisiraan ng bait sapagkat sa loob ng ilang araw ay hindi kumakain at laging umiiyak, hanggang sa dumating ang sandaling wala ng lumalabas na luha sa mata. Isang mang-aawit, manunugtog at mananayaw, si Rainero ay nabuhay nang halaghag na walang pagsisikap ukol sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Nanumbalik siya sa Panginoong Diyos nang marinig lamang ang pangaral ng isang banal na relihiyoso sa kumbento ng San Vito. Tinangisan niya ang nakaraang pamumuhay at pagkakasala at nagtungo sa Palestina upang dumalaw sa mga pook na banal na pinagdaanan ng Panginoon. Sa isag pangitain, nakita niya ang salapi sa supot ay sinunog ng apoy at asupre at sinabi sa kanya ang kahulugan niyon: ang supot ay ang kanyang katawan at ang apoy at asupre ay ang kanyang masamang hangarin.

Upang pagsisihan ang kanyang mga kasalanan at upang pagbayaran ang mga iyon, gumawa siya ng iba’t ibang pagpapakasakit sa katawan: naglakad ng walang sapin, kakaunti kung kumain at uminom, tinulungan ang mga maralita. Sinasabi na ang mababangis na hayop ay pinaamo sa pamamagitan ng agua bendita.

Sa San Rainero ay namatay sa lunsod ng Pisa, Italya noong 1160 sa kumbento ng San Vito.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: