Santa Juliana Falconieri

Madre

Kapanganakan: 1270

Kamatayan: 1342

Araw ng Kapistahan: 18 Hunyo

Tinalikdan ng santa ang isnag kahapong lipos ng kayamanan at karangalan upang ilaan lamang ang kanyang kalinisan sa katawan at kaluluwa sa Poong Maykapal. Siya ang sagot ng Diyos, sa panalangin ng kanyang magulang na malaon nang huminging isang anak. Ang limampu’t anim sa kanayang pitumpu’t isang taong pamumuhaysa lupa ay puspusang inihandog sa Santa Juliana sa paglilingkodsa Panginoong Diyos bilang isang madre sa Orden Servita. Anong pighati at hinagpis ang dumurog sa kanyang puso nang malaman niyang hindi diya makakapakinabang dahil sa kanyang karamdaman sa sikmur. Bago siya namatay noong 1342, ipinakausap ni Santa Juliana na dalhan siya ng Sagrada Ostiya kahit hindi siya maaring makinabang, at humiling sa pari na ipatong lamang sa kanyang dibdib ang Mahal na Sakramento. Ginawa nga ito ng pari at anong himala ang nangyari! Nang ilagay ito sa dibdib, bigla itong nawala! Nahimlay si Juliana sa kapayapaan ng Panginoon. Pagkaraan, may nakitang tanda ng Ostiya sa kanyang dibdib at ipinalalagay na siya ay napakinabang sa isang himala ng Diyos bago binawian ng buhay.

Si SANTA JULIANA FALCONIERI, isinilang noong 1270 ay pamangkinni San Alejo Falconieri sa lunsod ng Florence, Italya. Nagtatag siya ng isang samahan ng mga babae ukol sa pananalangin at pagkakawanggawa. Sa kanyang pagpapakabanal ay hindi kumakain kung Miyerkoles at Biyernes, natutulog sa lupa, nagtataglay ng isang kadenang bakal sa kanyang baywang na sa katagalan ay bumaon sa katawan.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: