San Silverio

Papa

Kamatayan: 537

Araw ng Kapistahan: 20 Hunyo

            Sa araw na ito’y ipinagdiriwang ang kaarawan ni SAN SILVERIO na naging Papa noong panahong ang Italya ay nilulusob ng mga Godo nang ikaanim na dantaon. Nasa Constantinople noon ang luklukan ng Emperador Romano na si Justiniano, at wala sa Roma. Naging tanyag siya sa kasaysayan dahil sa pagpigil niya ng mga Godo sa Roma at paglalagay ng mga makatarungang batas. Tinangka ng kanyang asawa na si Teodora na ilagay sa luklukan si San Pedro sa Roma ang isang kapanalig nito at sa gayon ay mapalaganap ang erehiyang monopisita at maglagay sa Constantinople ang isnag nagngangalang Antimus. Ito ang mainit na takbo ng pulitika nang panahong iyon nang manungkulan si San Silverio bilang kataas-taasang pinuno sa Santa Iglesya at bikaryo ni Cristo sa balat ng Lupa.

Ang panghihimasok ni Emperatis Teodora ay nabigo: nahalal sa Roma ang isang alagad ng Diyos , ang banal at matapang na Silverio na ang tanging nalalaman ng kasaysayan tungkol sa kanya ay nanungkulan sa loob lamang ng ilang buwan. Kinasangkapan ni Teodora ang asawa ng Heneral Belisario sa Roma na tauhan ng Emperador upang paratangan ng hindi totoo ang Papa na diumano’y kasangkot siya sa paglusob ng mga Godo. Kung kaya siya’y napatapon sa malayong bayan ng Patara, Lycia samantalang sa Roma inihalal na Papa si Vigilio, ang kapanalig Emperatris. Winika ng obispo sa Patara nang dumating ang Papa Silverio: “Totoo nga’t marami ang hari sa daigdig, ngunit iisa lamang ang Papa sa Buong Santa Iglesya.” Ang Pangyayaring ito ay umabot sa kaalaman ng Emperador at ninais niyang bigyan ng katarungan si Silverio subalit hinadlangan ni Antonina na asawa ni Belisario. Sinasabi na si Silverio ay namatay sa gutom at ibang hirap sa pulo sa Palmarola sa dagat ng Tyrrhenia sa Naples noong 537, biktima ng pulitika at ng kanyang paninindigan sa matuwid.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: