San Paulino ng Nola

Obispo

Kamatayan: 431

Araw ng Kapistahan: 22 Hunyo

Isa sa pinakatanyag na tao noong kapanahunan niy, si PONCIO MEROPIO ANICIO PAULINO. Ipinanganak siya sa Bordeaux, Gaul (Pransiya), nang ikaapat na dantaon. May mataas na katungkulan ang kanyang ama sa bansang iyon bilang isang kawani ng Imperyo Romano. Sa kabaitan at kabanalan ng santong ito, siya’y pinuri nina San Martin ng Tours, San Ambrosio, San Agustin at San Jeronimo.

Si Paulino ay nag-aral sa dakilang makata na si Ausonio na pinagmanahan niya ng pagiging makata at mananalumpati. Pagkaraan, dahil sa mataas niyang katungkulan sa pamahalaan, siya’y nakapaglakbay sa iba’t-ibang bansa tulad ng Gaul, Italya at Espanya; sa huli, napangasawa niya ang isang butihin at mayamang babae, si Teresa, na siyang umakit sa kanya sa landas ng kabanalan. Ang pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak at ang bintang sa kanyang pagpatay sa sariling kapatid ay napabago sa kanyang pamumuhay. Ipinamigay sa mga maralita ang kanilang malawak na ari-arian at nabuhay ang mag-asawang parang magkapatid. Nagtungo sila sa lunsod ng Nola, inampon sa kanilang bahay ang mga pulubi at maysakit. Sinasabi na taun-taon, ang satong ito ay sumusulat ng tula sa karangalan ni San Felix ng Nola. Nang mamatay ang obispo sa kahilingan ng mga taong bayan, noong taong 400 humigit-kumulang.

Lumapit sa santo ang isang balo upang ipaligtas sa kanya ang anak nito. Pagkat wala siyang maibigay na pantubos siya na rin ang nagtungo sa Africa sa mga Bandalo upang humalili sa anak ng Balo at maging alipin. Subait nakilala siya ng puno ng mga Bandalo at pinalaya siya. Namatay ang banal na obispo ng Nola nang taong 431.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: