Santo Tomas Moro

Kapanganakan: Pebrero 7, 1478

Kamatayan: 1535

kilala rin bilang: Patron ng mga manananggol

Araw ng Kapistahan: 22 Hunyo

            Ipinapatay ni Haring Enrique VIII ang kanyang kansilyer sapagkat ayaw nitong sabihin na mabuti ang masama. Siya ay si SANTO TOMAS MORO, isang maginoong Katoliko, makata, manunulat mananaggol at martir, na sumilang sa London noong ika-7 ng Pebrero, 1478. kilala rin si Santo Tomas Moro ay kilala rin bilang patron ng mga manananggol. Sa Kasaysayan ng Inglatera, dalawa ang dakilang kansilyer na pumili ng kamatayan sa halip na itakwil ang kanilang pananampalataya: Si Santo Tomas Becket(1170) at si Santo Tomas Moro.

Si Tomas Moro ay sumulat ng mga tula at mga aklatsa wikang Ingles at Latin, naging kaibigan ng bantog na si Erasmo ng Holland, at humawak ng mataas na katungkulan sa kaharian. Araw-araw, dinarasal niya ang Oficio ng Mahal na Birhen at tumutulong sa Misa ; nagkokolasyon kung Biyernes; gabi-gabi ay nagdarasal silang mag-anak.

Nang humiwalay ang hari sa kanyang tunay na asawa at pilitin ang buong kaharian na kilalanin siyang puno ng pamahalaan at Simbahan, isa si Tomas Moro (tulad ni San Juan Fisher) sa mga hindi sumang-ayon sapagkat iyon ay labag sa Batas ng Diyos, Ang ibinunga nito ay ang pagtitiwalag ng Inglatera sa tunay na pananampalataya at ang pagpatay kay Santo Tomas Moro noong 1535. Pagkaraan ng labinlimang buwan ng pagkkabilanggo sa Tower Hill sa London, bago siya pugutan ng ulo ay sinabi ito: “Ako’y mamamatay na mabuting lingkod ng hari, ngunit higit sa lahat, isang matapat na lingkod ng Diyos.” Ang matapang na lingkod ng Diyos ay nagpapatawang nagusap sa berdugo, “Kaibigan huwag kang matakot, ingatan mo lamang na huwag masagi ang aking balbas, ito’y walang kasalanan.”

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

n.a.  (2008). Saint Tomas More. In Catholic Saints. Retrieved on May 5, 2011, from  http://www.catholic.org/saints/sofd.php


Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: