Santa Edilturus

Kilala rin bilang: Eteldreda, audry

Kamatayan: Hunyo 23, 679

Araw ng Kapistahan: 23 Hunyo

Si SANTA EDILTRUDIS, (ETELDREDA,AUDRY), kapatid nina Santa Sexbuga, Santa Etelburga at Santa Withburga, ay isinilanh sa Exning sa Suffolk sa Inglatera noong ikapitong dantaon. Sumunod sa kagustuhan ng kanyang mayamang magulang, nagpakasal siya kay Prinsipe Tonbert subalit nabuhay silang dalawa na parang magkapatid. Nang mabalo si Ediltrudis, pagkaraan ng tatlong taong masayang pagsasama ng dalawa, nagtungo siya sa pulo ng Ely upang mabuhay nang nag-iisa sa pagmumuni-muni at pagpapakasakit, Hindi nagtagal at napangasawa niya si Egfrido at sa kapahintulutan nito, si Ediltrudis ay nagtungo sa Coldingham sa hangaring maging madre at ilaan ang nalalabing buhay sa Panginoong Diyos. Sinasabi na siya’y nagtatag ng isang monasteryo sa pulo ng Ely noong 672; doon ipinagpatuloy ang kanyang pagpupunyagi sa pagpapakabanal: sa pagpepenitensiya, malimit na pananalangin, at pag-aayuno. nang siya’y magkasakit sa lalamunan, tinaggap niya ito bilang parusa sa kanyang karangyaan noong unang panahon at sa paggamit niya ng mga hiyas. Namatay ang santa noong Hunyo 23, 679.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: