San Josemaria Escriva de Balaguer

Pari

Kapanganakan: Enero 9, 1902

Kamatayan: Hunyo 26, 1975

Araw ng Kapistahan: 26 Hunyo

Si JOSE MARIA ESCRIVA ay ipinanganak sa Barbastro, Hilagang-silangan ng Espanya, malapit sa Pyrenees noong Enero 9, 1902.

Napagtanto ni Josemaria na kinakailangan niyang ibigay ang sarili nang buong-buo sa Diyos at upang higit na maisakatuparan ang banal na kalooban ng Diyos, nagpari siya noong 1918.

Marso 28, 1925 nang maordenahan si Josemaria ni Obispo Diaz Gomara sa simbahan ng Seminaryo ni San Carlos sa Saragossa.

Noong Oktubre 2, 1928, ipinakita sa kanya ng Panginoon ang liwanag ng kanyang Kalooban na matagal na niyang hinihintay: ang pagtatag ng Opus Dei o “Gawa ng Diyos”. Ang layunin nito ay mapaalalahanan ang lahat ng mga binyagan na ang pagiging Kristiyano ay isang tawag sa kabanalan at paglilingkod. Layunin din ng samahang ito ang magpalaganap ng personal na pangakong susunod kay Cristo, magmamahal sa simbahan, at hahanapin ang kabanalan sa ordinaryong pamumuhay sa lahat ng sector g lipunan.

Sa loob ng samahan ng Opus Dei, itinatag naman ni Josemaria noong 1943 ang Kapisanan ng mga pari ng Banal na Krus, na nakikiisa sa mga obispo ng local n asimbahan sa gawaing paghubog sa mga pari at mga seminarista.

Sa mga huling taon ng kanyang buhay, ang tagapagtatag ng Opus Dei ay nagsagawa ng maraming kateketikal na paglalakbay sa iba’t-ibang bansa sa Europa at Latin sa Amerika. Noong Marso 28, 1975, ipinagdiwang niya ang kanyang ikalimampung taon bilang pari. Ang kanyang panalangin nang araw na iyon ay buod ng kanyang buhay: “Limampung taon na ang lumipas, ako ay nananatili pa ring tulad ng isang nagaatubiling bata. Nagsisimula pa lamang ako, nagsisimulang muli, tulad ng aking ginagawa sa araw-araw sa aking buhay esperitwal. At magiging ganito ako hanggang sa katapusan ng aking mga araw: laging nagsisimulang panibago.”

Noong Hunyo 26, 1975, ang banal na si Josemaria ay inatake sa pus at pumanaw sa harapan ng larawan ng Mahal na Ina na siyang tumanggap ng kanyang huling sulyap. Ang kanyang aklat: The Way, Holy Rosary, Coversations with Msgr. Escriva, Christ is Passing By, Friends of God, Love for the Church, The Way of the Cross, Furrow, the Forge, ay umabot sa milyun-milyong kopya.

Tinanghal na santo si Msngr. Josemaria Escriva noong Oktubre 6, 2002 sa St. Peter’s square, sa isang misa na pinamunuan ni Papa Juan Pablo II.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: