San Ireneo

Obispo

Kapanganakan: 125

Kamatayan: 202

Araw ng Kapistahan: 28 Hunyo

Isa sa mga tinatawag na “ama ng Santa Iglesya” si SAN IRENEO ay sumilang sa Minor noong taong 125 at naging alagad ng banal na obispo ng Smyrna na si San Policarpo. “Nagugunita ko pa,” wika ng sato tungkol kay San Juan Apostol tungkol sa buhay at himala ng Panginoong Jesus.” Noong mga panahong iyon ang mga taga-silangan ay nakarating sa kanlurang Europa sa kanilang pangangalakal, lalo na sa bansang Gaul (Pransiya). Ito ang dahilan kung bakit napadako si IRENEO (Gr., payapa) sa Lyons, kasama ng obispong si Potino na isa ring taga-silangan.

Noong taong 177, bilang isang paring katulong ni Obispo Potino, si Ireneo ay naatasang magtungo sa Roma upang ayusin ang isang suliranin ng kanilang mga kababayan. Sinabi ng mga nagsugo sa kanya kay Papa Eleutero:”Ipinadadala namin ang isang alagad ng Diyos na lipos ng Pag-ibig sa Tipan ni Cristo.” Noong nasa Roma si Ireneo, sumiklab ang isang marahas na paguusig sa Lyons laban sa mga Kristiyano na sumawi sa buhay nina San Potino at Santa Blandina. Pagkabalik ng santo sa Lyons, siya ang humalili kay san Potino.

Dalubhasa sa Banal na Kasulatan, teolohiya, pilosopiya at kasaysayan ng mga Griyego at Romano, si Ireneo ay naging isang malugid na tagapagsanggalang ng mga aral ng Kristiyanismo; balitang-balita ang kanyang aklat, laban sa mga Erehe. Sa kanyang pakikibaka sa  mga nagkakamali ay pag-ibig ang higit niyang gingamit na kasangkapan: “Walang Diyos na walang pag-ibig.” “Inilalawit namin ang kamay nang buong puso sa inyo (mga Erehe) at laging handa kaming tanggapin kayo.” Sumalangit ang banal na obispo noong taong 202.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: