Ang mga Unang Martir sa Roma

Araw ng Kapistahan: 30 Hunyo

Ayon sa bagong kalendaryo ng Simbahan, ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan ng mga unang martir sa Roma noong paghahari ni Emperador Nero. Nang unang dantaon ng Katolisismo, sumiklab ang isang matinding pag-uusig laban sa mga Kristiyano na pinagbinatangang sumunog sa Roma. Maraming Kristiyano ang nag-alay  ng kanilang buhay alang-alang sa Diyos at sa pananampalataya; mayroong pinakain sa mga leon, may pinahirapan nang katakut-takot, may sinunog. Ang lahat ng ito ay dinanas ng mga saksing mga saksi ng Pnginoon upang patunayan ang katotohanan ng kanilang relihiyon at pagsamba sa Mananakop. Ang kasaysayang ito nang taong 64 ay mababasa sa mga sulat ng bantog na manunulat na si Tacitus, na hindi Kristiyano, at sa mga sulat ni San clemante, Papa. Hinangaan natin ang kanilang kabayanihan sa Panginoon at hinihingi na bahagihan tayo ng kanilang tapang sa pagtatanggol sa mga aral ni Cristo. kaya yumabong ang ating pananampalataya ay dahil sa dugo ng mga martir sa lunsod ng Roma.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

Explore posts in the same categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: